Bitoon, Manila Stars kinatay ang Batangas City Athletics


NANGIBABAW sina Chris Bitoon at Manila Stars 73-50 kontra sa Batangas City Athletics sa pagpapatuloy ng eliminasyon sa MPBL Lakan Season Martes sa San Andres Gym sa Manila.

Dumiliber para sa Stars si Bitoon at Aris Dionisio para ibigay sa Manila ang fourth win sa limang salang.

Nanguna sa opensa si Bitoon na nagtala ng 20 points at walong rebounds samantalang nag-ambag din si Dionisio ng 12 points, walong rebounds at tatlong blocks.

Kontrolado ng Manila ang Batangas na nalimitahan lamang sa 28 percent shoo­ting sa field (19-of-66) pati na si Jeff Viernes ng Athletics.
“Parang may takip ‘yung ring namin,” pahayag ni Viernes na MVP ng MPBL All-Star Game last season.

Wagi rin ang Basilan Steel 86-83 kontra Marikina Shoemasters.
Tatlong players para sa Basilan ang nag-double-double output…



Source link

Some local news is curated - Original might have been posted at a different date/ time! Click the source link for details.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Send this to a friend