Al Cusi sabit sa P100B anomalya sa Power Plant


abante-tonite-cusi

abante-tonite-cusi

INIIMBESTIGAHAN ng Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporation (GCG) sina Energy Secretary Alfonso Cusi, National Transmission Corporation (Transco) president Melvin Matibag at Philippine National Oil Company (PNOC) pre­sident at chief executive officer Reuben Lista dahil sa mga alegasyon ng korapsiyon, nepotismo at conflict of interest.

Ayon sa mga source ng Abante, naka-docket ang kaso bilang 0-0912-03-04-2018-005678.

Batay sa reklamo, ginamit ni Cusi ang posisyon niya para magkamal sa anim na power plant na nagkakahalaga ng P100 bilyon at pagtatalaga ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan sa Department of Energy at sa mga attached agency nito.

Ginigipit din umano ni Cusi ang mga energy industry player at ginagawang libreng Uber ang mga eroplano at helicopter ng mga pamil­yang nasa industriya ng enerhiya tulad ng mga Aboitiz at Violago.

Inaakusahan din sa Matibag ng nepotism at pagiging mastermind ng P1 bilyong right-of-way raket sa Transco at panggigipit sa National Grid Corporation of the Philippines at sa mga telco para makakotong umano ng P1.5 bilyon.

Humihingi rin umano si Matibag ng P2 bilyong komisyon para sa interconnection ng Visayas at Mindanao sa mga power plant ng Transco.

Siniguro rin ni Matibag ang appointment ng kanyang asawang si Atty. Ann Garcia Matibag bilang tagapa­ngasiwa ng Philippine Electricity Market Corporation.

Si Lista naman ay iniimbestigahan dahil sa renovation ng opisina ng PNOC kung saan kumita diumano ito ng P30 milyon bilang komisyon.

Pumasok din…



Source link

Some local news is curated - Original might have been posted at a different date/ time! Click the source link for details.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Send this to a friend