P10B iligal na droga, laboratory equipment sinunog


abante-tonite-pdea-shabu

abante-tonite-pdea-shabu

Higit sa 10 bilyong pi­song halaga ng mga iligal na droga, sangkap na ginagamit dito at mga expired na gamot ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Ma­nagement Inc. sa lungsod ng Trece Martires, Ca­vite, bandang alas-11:00 kahapon nang umaga.

Bagama’t inulan ay hindi napigilan ang pamunuan na wasakin at sunugin ang itinuturing na pinakamala­king halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga sa kasaysa­yan ng PDEA.

Pinangunahan ni PDEA Director General Aaron Aquino ang naturang kaganapan kung saan tinatayang nasa 1,000,892 gramo ng iba’t ibang uri ng i­ligal na droga, higit 17,000 litro ng liquid shabu at li­quid cocaine, ang nakabilang sa mga ipinasok sa incinerator.

Gamit ang proseso ng thermal decomposition, nagiging imposible nang ma-recycle ang mga iligal na droga at hindi na mu­ling maibabalik sa merkado.

Shabu pa rin ang na­nguna sa listahan nang pinakamarami sa mga nasunog sa 710,386.62 gramo, habang pinakamahal naman sa listahan ang liquid shabu na nagkakahalaga ng 6,390 bilyong piso.

Malaking bahagi ng nasunog na shabu ay mula sa mga nasabat ng PDEA, NBI at BOC, mula sa dalawang bo­dega sa Valenzuela City.

The post P10B iligal na droga, laboratory equipment sinunog appeared first on Abante News Online.



Source link

Some local news is curated - Original might have been posted at a different date/ time! Click the source link for details.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Let others know about this!

Thank you for sharing :)

Send this to a friend