Balahibo ng manok na isasabong, dapat naaayon sa buwan


abante-tonite-sabong-manok-rooster

abante-tonite-sabong-manok-rooster

Maraming matatandang sabungero ang naniniwala na may balahibo na dapat ilaban na naaayon sa buwan.

Tulad ni Artemio Dimasupil na kilala sa tawag na Mang Temio sa sabungan sa kabisayaan, 40 na taon na siyang sabungero at marami rin siyang mga alagang mga manok panabong.

Ayon sa 54-anyos na sabungero may mga obserbasyon siya sa mga kulay ng balahibo na dapat ilaban kapag New Moon, ito’y ang Puti, Sinibalang Malatuba, Bangkas at Dalusapi.

“Mga malilinaw na kulay na balahibo ang mainam na ilaban sa bagong buwan,” saad ni Mang Temio habang nagta-trabisya sa sabungan dito sa Maynila.

Kapag nagsisimula pa lang ang buwan, mga Abuhin, Talisain, (Grey) o Binabae, (Henie) at kapag Full Moon o pag bilog ang buwan, magandang ilaban ang kulay na Alimbuyugin, Malatuba at Hirao,

Ang ibang obserbasyon ni Mang temio ay mga Bangkas at Mayahin naman ang ilaban kapag last quarter.

Subalit may mga sabungerong hindi naniniwala sa mga ganitong paraan ng pagsasabong dahil ang katwiran nila ay paa ang ipinapalo ng mga manok panabong at hindi ang balahibo.

Kaya sa mga baguhang nagsasabong maaaring sundin pero kapag hindi umayon ay maaari rin kayong maghanap ng ibang paraan para magpanalo sa laban, isa sa magandang tip ay ikundisyon ng maayos ang inyong mga panlaban.

The post Balahibo ng manok na isasabong, dapat naaayon sa buwan appeared first on Abante News Online.



Source link

Some local news is curated - Original might have been posted at a different date/ time! Click the source link for details.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Send this to a friend