Boobs ni Kyline tinangkang lamutakin ng manyakis


Hindi lahat ng mga tagahanga ni Kyline Alcantara ay mga edukado at walang malisya sa kanilang idolo. Meron ding mga bastos at wala sa lugar.

Nangyari ito sa isang show na may gustong makahawak sa upper part ng kanyang katawan na obviously ay pilit pa rin nitong isinisiksik ang sarili kahit nagkakagulo na ang lahat.

Mabuti na lamang at alisto kami at ang aming kasama para i-traffic ang dadaanan ni Ky na punumpuno ng tao.

Hindi rin nakatiis ang kasama namin at tinalakan nito ang bastos na tagahanga.

Nag-iingat din si Kyline sa mga ganitong sitwasyon, pero minsan ay may nakakalusot talaga.

Handa namang patawarin ito ni Kyline kung sakaling nahuli ito, pero as much as possible ay ayaw niya na maulit pa ito.

Malapit na rin sana itong kuyugin ng mga tagahanga pero nakinig naman sila sa pakiusap ng security guard.

Meron din ngang netizen ang nagko-comment na dapat daw ay pinatikim ito ng kulong, pero knowing Kyline, iba ang reaksiyon nito.

Marami ngang fan niya ang nagsa­bing sobrang bait pa rin nito dahil kung iba-ibang baka naghihimas na ng malamig na bakal ang nahuling manyak.

Korek!

The post Boobs ni Kyline tinangkang lamutakin ng manyakis appeared first on Abante News Online.



Source link

Some local news is curated - Original might have been posted at a different date/ time! Click the source link for details.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Send this to a friend