Cavite drug bust


Armado ng improvised homemade shotgun, hindi nagpahuli ng buhay ang dalawang drug personality sa bayan ng Rosario, Cavite makaraang manlaban sa mga operatiba sa ikinasang buy-bust operation laban sa kanila.

Sa panayam ng Abante kay C/Insp. Mark Joseph Laygo, hepe ng Rosario Municipal Police Station, nabatid na ikinasa ang drug bust dakong alas-tres ng madaling-araw kahapon sa Barangay Wawa 2, laban kina Ronelio Valera y Nueva at Ryan Sunga y Cuesta.

Nakaramdam umano ang mga suspek na parak ang kanilang katransaksyon kaya’t pinutukan ang mga ito gamit ang sumpak. Sa kasamaang palad ay sablay ang mga suspek kaya’t sila ang tumimbuwang sa ganting putok ng mga operatiba.

Narekober mula sa mga suspek ang marked money, ilang pirasong plastic sachet ng shabu at tig-isang sumpak at dalawang bala ng 12 gauge shotgun.

The post Cavite drug bust appeared first on Abante News Online.



Source link

Some local news is curated - Original might have been posted at a different date/ time! Click the source link for details.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Send this to a friend